NEWS

DILG ikinatuwa ang UNHCR reso na sumusuporta sa mga gawain ng Pilipinas tungkol sa pagsusulong ng karapatang pantao

October 13, 2020

Ikinagalak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpasa ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ng isang resolusyon na nagpapahayag ng suporta at kooperasyon sa pagsisikap ng bansa na protektahan ang karapatang pantao.

"Ang UNHCR reso ay isang magandang development sa bahagi ng Inter-agency Committee on Anti-IIlegal Drugs (ICAD) Advocacy Cluster na pinamumunuan ng DILG. Ang hakbang na ito ay isang pagkilala sa holistic approach ng pamahalaan laban sa iligal na droga. Hindi lamang tayo naka-focus sa supply reduction kung hindi pati sa demand reduction aspect," sabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año.

Inadopt noong ika-45 na session na ginanap sa Geneva, Switzerland, ang inihaing UNHCR reso ay nagapapahayag ng technical assistance at capacity building para sa domestic effort sa karapatang pantao sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Office of Human Rights.

Ayon kay Año, ang naturang hakbang ng UNCHR ay nagpapalakas sa walang patid na commitment ng kagawaran sa kampanya laban sa iligal na droga sa bansa habang pinoprotektahan ang karapatang pantao ng mga mamamayan. Ani pa niya mas lalo pang bibigyang pansin ng DILG ang community-based drug rehabilitation efforts.

"Hindi nagbabago ang commitment ng Kagawaran na puksain abg iligal na driga sa pamamagitan ng whole-of-nation approach na may pagpapahalaga sa karapatang pantao habang ipinapatupad ng mga kawani sa ilalim ng DILG organization, ang kanilang tungkulin," dagdag pa nito.

Siniguro pa ni Año sa publiko na kahit sa panahon ng COVID-19 pandemic, hindi tumigil ang DILG sa pagharap sa problema ng illegal drugs sa bansa ayon sa systematic analysis ng data mula sa Anti-Illegal Drugs Information System (AIDIS) mula sa iba't-ibang drug agencies.

Kamakailan lamang ay ipinag-utos nito sa PNP na paigtingin ang illegal drugs campaign sa kabila ng pagluluwag ng community quarantine sa maraming parte ng bansa kung saan bumaba ang COVID cases.

Dahil sa pagbawas ng mga illegal drug user dahil sa kawalan ng supply sa panahon ng quarantine, sinabi ni Año na ang lahat ng uri ng illegal drugs ay dapat mahinto mula sa paggawa ng raw materials hanggang sa street diatribution.

"Sa gitna ng malaking krisis na kinakaharap ng maraming bansa dahil sa pandemya, napakalaking ginhawa ang maidudulot ng pagtutulungan na inilatag ng UNCHR para tuluyan na mapagtagumpayan ang illegal na droga aa bansa sa tulong ng lahat ng mga attached agencies ng DILG at ng iba pang mga sangay ng gobyerno. Basta't sama-sama at may displina, kayang-kaya!," sabi ni Ano.

Kinilala ng 47 kasapi ng UNCHR ang matatag at bukas na pakikipag-ugnayan ng bansa sa United Nations lalo na sa rule of law, justice, law enforcement, at accountability processes dahil sa imbitasyon ng gobyerno at ayon sa prayoridad ng bansa.

Kabilang sa mga proposed areas of cooperation sa UNHCR reso ay technical assistance, capability building, domestic investigative at accountability measures, pangangalap ng datos tungkol sa paglabag ng mga pulis, pakikipag-ugnayan sa civil society at Commission on Human Rights, national mechanism for reporting at follow-up , counter terrorism legislation at human rights based approach sa drug control.