NEWS

DILG: Hukbo ng 46k contact tracers nakikipaglaban na sa COVID-19 sa buong bansa

November 18, 2020

Kinumpirma ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mayroon ng hukbo ng 46,338 contact tracers (CTs), konti na lang para maabot ang target na 50K CT na iniatas sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act or Bayanihan 2 Law, ay na-deploy na ngayon sa lahat ng mga local government unit (LGUs) sa buong bansa at nakikipaglaban na sa COVID-19.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año na habang hinahanda ng Kagawaran na makumpleto ang naka-target na 50k CTs na nakasaad sa Bayanihan 2 Law, ang 46,338 CTs na kasalukuyang nagtatrabaho sa mga lugar ay tutulong sa pagtugon ng bansa sa COVID-19 at at magpapalakas ng contact tracing capabilities sa grassroots level upang kontrahin ang COVID-19. "Ang mababang bilang ng mga kaso na nararanasan natin ngayon ay resulta ng ating contact tracing capacity na agad na pinuputol ang community transmission sa sandaling makilala ang isang pasyente na may COVID," aniya.

"Ang ating laban sa COVID-19 ay tila magtatagal pa hanggang sa makahanap ang ating mga eksperto sa medisina ng bakuna at gamot. Sa tulong ng 46,338 CTs na nakalubog na ngayon sa mga lokalidad, ang gawain na labanan at pigiliin ang virus ay magiging mas madali at maisasagawa nang mas mahusay," sinabi ni Año.

“Malaki ang kanilang ambag sa paglaban ng pamahalaan sa COVID-19 at sa katuparan ng ating target na maging COVID-free ang ating bansa,” dagdag niya.

Inatasan din niya ang mga LGUs sa mga lugar na nasalanta ng bagyo na may mga evacuation center na i-deploy ang kanilang mga Contact Tracing Teams upang magpatupad ng minimum health standards, paalalahanan ang mga evacuees tungkol sa kalusugan, at ipamahagi ang mga face masks, alcohol at iba pa.

Sinabi ni Año na bilang commitment ng DILG ayon sa nakasaad sa Bayanihan 2 Law, makukumpleto ang 50K CTs dahil 6,664 na kwalipikadong mga aplikante sa buong bansa ay nasa huling yugto na ng hiring process upang matukoy kung sino ang pupuno sa natitirang 3,662 CTs na kukumpleto sa target na 50k.

"Nakatuon kami sa pagkumpleto ng 50K CTs alinsunod sa batas, at maghahire kami ng natitirang 4k sa loob ng isang linggo," aniya.

Ipinaliwanag pa niya na ang ilang mga rehiyon ay may sapat na bilang na ng contract tracing teams kaya ang apela ng DILG sa mga LGUs ay sabihan agad ang ahensiya kung sila ay mangangailangan pa ng dagdag na CTs. “Mayroon po tayong mga sobrang CTs kaya kung may pagkukulang po sa inyong LGU, ipagbigay-alam ninyo lang po sa amin,” sabi ni Año.

Hanggang noong Nobyembre 13, 2020, aabot sa 1,410 CTs ang maaari pang ibigay sa ibang LGUs na mangangailangan dahil sa biglang pagsulpot ng mga kaso sa kanilang lugar.

Sinabi ng DILG Chief na ang National Capital Region (NCR), bilang sentro ng COVID-19 crisis sa bansa ay nakakuha ng pinakamaraming CT na may 7,362 na sinundan ng Region III na may 5,026; Rehiyon VII na may 4,241; 3,679 para sa CALABARZON; 3,306 para sa Region VI; Rehiyon IX na may 3,267; Rehiyon XI na may 3,041; Rehiyon V na may 2,736; CARAGA na may 2,544; at 2,000 para sa Rehiyon X.

Ang iba pang mga rehiyon tulad ng MIMAROPA ay mayroong 1,529 na bagong contact tracer, ang Rehiyon XII ay nakakakuha ng 1,501; Ang BARMM na may 1,480; Rehiyon I na may 1,445; Rehiyon VIII na may 1,395; Rehiyon II na may 1,215; at CAR na may 571.

“Itong karagdagang 46,338 na CTs na ito bukod pa sa 97,400 CTs na kinuha natin dati ay malaking tulong sa pag-angat ng kakayahan ng bansa sa contact tracing at nawa ay maoigilan na ang pagkalat ng virus sa bansa. Malaking bagay talaga ito,” sinabi ni Año.

Samantala, pinasalamatan ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya ang mga CT na tumugon sa panawagan ng gobyerno na maglingkod sa gitna ng COVID-19 public health emergency.

Sinabi niya na kahanga-hanga na ang mga tao ay handang maglingkod sa kanilang mga kababayan at tulungan ang pamahalaan na labanan ang pandemyang ito. “Maraming salamat sa bawat isa sa inyo at sa lahat ng ating mga frontliners, sa inyong paglilingkod sa gitna ng pandemyang ating kinakaharap. Nawa ang bawat isa sa inyo ay maging instrumento sa pagtiyak na ang mga Pilipino ay malayo sa panganib ng COVID-19.”

Tiniyak din niya na ang lahat ng mga CT ng gobyerno ay magiging ligtas habang tinutupad nila ang kanilang tungkulin, sa pagbibigay ng kumpletong Personal Protective Equipment (PPE); medical supplies; at iba pang mahahalagang pangangailangan sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.

Sinabi ni Malaya na kabilang sa mga responsibilidad ng CTs ay ang magsagawa ng mga panayam, pag-profiling, at magsagawa ng paunang public health risk assessment ng mga COVID-19 cases at kanilang identified close contacts; iendorso ang mga close contacts sa mga isolation facilities; magsagawa ng enhanced contact tracing sa pakikipag-ugnay at pakikipagtulungan sa iba pang mga ahensya at pribadong sektor; magsagawa ng daily monitoring ng close at general contacts nang hindi bababa sa 14 na araw, at isagawa ang iba pang mga gawain na may kaugnayan sa tugon ng COVID. Inaatasan din sila na magsagawa ng mga aktibidad sa pagsusulong ng kalusugan sa mga lugar na may mga zero-covid na kaso.

Ang isang CT ay makatatanggap ng minimum na P18,784 bawat buwan sa ilalim ng contract of service status.