NEWS

ADVISORY

DILG nakita ang momentum sa pagtataguyod ng pederalismo dahil sa positibong resulta ng SWS at magandang pagdalo sa roadshows

July 2, 2018

Lalong paiigtingin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kampanya sa pagbabago ng konstitution kasunod ng huling ulat ng Social Weather Stations (SWS) at malaking bilang ng mga mamamayan na nagpunta Federalism roadshows na isinagawa sa Dumaguete at Baguio.

Ayon kay DILG Assistant Secretary for Communication and Public Affairs Jonathan E. Malaya, magandang senyales ang pinakahuling ulat ng SWS dahil ito pagkakataon na lalong pag-ibayuhin pa ang kampanya ng federalism sa mga rehiyon. “Maganda ang sinasabi ng mga numero at tinitingnan naming ito bilang isang oportunidad ara mas lalo pang magpursigi sa kampaya para sa pagbabago ng konstitusyon,” ayon kay Malaya.

Batay sa SWS survey, ito ay naganap bago pa man ang DILG’s roadshow federalism na ang ibig sabihin ay hinog na ang pagkakataon noong panahong iyon para lalong paigtingin ang naturang kumpanya. “Tingnan natin kung ano magiging resulta kapag ibinaba na natin ang kampanya sa 17 na rehiyon. Nakakasiguro ako na hindi lang kamalayan ang tataas, kundi pati suporta,” dagdag pa ni Malaya.

Ang DILG kasama ang Consultative Commission to Review the 1987 Constitution ay magkasama sa mga Federalism Roadshow kung saan sila ay nagsasagawa ng mga konsultasyon, town hall meetings, conventions at speaker’s training sa lahat ng 17 rehiyon sa buong bansa. Ito ay nagsimula noong June 18 sa Dumaguete City.

Ayon sa 1st Quarter survey na isinagawa noong March 23-27, 2018, isa sa apat o 25% ng mga nasa idad na Pilipino ay mayroon ng kaalaman tungkol sa federalism.

Nakita din sa naturang survey na mas maraming tao sa probinsya (27%) ang nakakaalam sa federalism kumpara sa urban areas (24%). Kaalaman at suporta sa pederalismo ay pinakamataas sa Mindanao, kasunod ang Metro Manila, Visayas at Balance Luzon.

Nakita rin sa survey na habang naiiintindihan ng mga tao ang pederalismo ay mas sumasang-ayon sila dito. Sabi ni Malaya na kapag nalaman na ng mga tao ang benepisyo ng pederalismo sa mga pamilya, walang dudang magiging maganda ang pananaw nila dito.

“Nakalagay rin sa survey na doon sa mga nakakaalam tungkol sa pederalismo, 37 porsyento ang sang-ayon samantalang 29 porsyento naman ang hindi,” ayon kay Malaya.

Inaasahan niya na ang mayorya sa 34% na hindi pa nakakapagpasya ay susuporta sa pederalsimo kapag inindorso na ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang iminumungkahing modelo ng Consultative Committee sa darating na State of the Nation Address (SONA) sa susunod na buwan.

Batay sa SWS report , ang net agreement sa federal system ay lumalakas dahil malaki ang tiwala ng mga Pilipino sa Pangulo at sila ay nasisiyahan sa kanyang pagpapatakbo ng pamahalaan.

Huge turnout

Ayon kay Malaya ang dayalogo at mga pagpupulong sa Baguio at Dumaguete ay dinaluhan ng libo-libong katao mula sa iba’t ibang sangay at grupo ng mga politiko mula sa mga bayan ng Negros at Cordillera Regions.

“Nagtagumpay kami sa pagpapaliwanag na kailangan ng magbago ng sistema dahil sa pagkabigo ng kasalukuyang sistemang pampulitaka na pagandahin ang buhay ng mga Pilipino. Palalakasin ng pederalismo ang mga rehiyon sa pulitikal at pang-ekonomiyang aspeto. Tama na ang pagtitiis ng mga mamamayan sa sentralisadong pamamahala na itinatag noon pa mang panahon ng kolonyal,” sabi ni Malaya.

Sa susunod na linggo, ang DILG roadshow ay magtutungo sa Legazpi City sa Bicol Region at inaanyayahan ang mga Bikolano na makisali sa Pederalismoserye town hall meeting. “Makialhok tayo sa mga dayalogo at kumbensyon upang malaman natin ang pagbabagong ipinangako ng Pangulo sa pamamagitan ng constitutional reform,” dagdag ni Malaya.

Ang DILG ang naatasan ni Pangulong Duterte na pangunahan ang kumpanya ng administrasyon sa federalism.